Tuesday, September 22, 2009

tula

KAMAY NG BIRHEN
Jose Corazon de Jesus
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot, kung hinahawi mo itong aking buhok, ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos.At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda, kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulakiak kahalikan ko na.Kamay na mabait, may bulak sa lambot, may puyo sa gitna paglikom sa loob; magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos.Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib; ito’y bumubuka sa isa kong halik at sa aking pisngi ay napakatamis.Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin;ako ay masama, nang ikaw’y giliwin, ay nagpakabait nang iyong haplusin.



















AWA SA PAG-IBIG
Jose de la Cruz


Oh! Kaawa-awang buhay ko sa ibaMula at sapol ay gumiliw-giliw na,Nguni’t magpangayon ang wakas ay di paNagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,At inilagak mong sabing nahabilin,Sa langit ang awa saka ko na hintin!Ang awa ng langit at awa mo namanNagkakaisa na kaya kung so bagay?Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,Iba ang sa langit na maibibigay.Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,Sa langit na hintin ang magiging habag?Napalungi namang patad yaring palad,Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.













KAHIT SAAN
José Corazón de Jesús
Kung sa mga daang nilalakaran mo,may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .Irog, iya’y ako!Kung may isang ibong tuwing takipsilim,nilalapitan ka at titingin-tingin,kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa gabing malalim. . .Ako iyan, Giliw!Kung tumingala ka sa gabing payapa at sa langit nama’y may ulilang tala na sinasabugan ikaw sa bintanang kanyang malungkot na sinag ng luhaIya’y ako, Mutya!Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga, isang paruparo ang iyong nakita na sa masetas mong didiligin sana ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .Iya’y ako, Sinta!Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, kundi mo mapahid sa panghihinayang at nalulungkot ka sa kapighatian. . .Yao’y ako, Hirang!Ngunit kung ibig mong makita pa ako,akong totohanang nagmahal sa iyo; hindi kalayuan, ikaw ay tumungo sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .magkikita tayo!
Ang Kanyang Mga Mata
Clodualdo del MundoDalawang bituing kumikislap-kislap sa gitna ng dilim. . . Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw sa tuwing ako’y naninimdim. . . Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang maliw! Takipsilim ng isang pusong di magtataksil! ang kanyang mga mataher eyesdalawing bituintwo starskumikislap-kislap glittering / shiningsa gitna ng dilim in the middle of darkness







ANG MATAMPUHIN
Lope K. Santos
Damong makahiya na munting masanggi’ynangunguyumpis na’t buong nakikimi,matalsikan lamang hamog na konti’t halik ng amiha’y mabigla sa dampi mga kinaliskis na daho’y tutupi’t tila na totoong lanta na’t uns’yami.Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang mabiro ng masayang hangi’y pipikit na agad sa likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin, sa tanaw ng ulap at ng panganorin.Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo ng bahagyang ulan, kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting batong sa kanya’y magalaw ay dumaraing na at natitigilan.Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap damitin at napakagara,munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot na’t agad namumutla; salang malibangan sa taguang sadya’ ypinamamahayan ng ipis at tanga.Kalapating puting may batik sa pakpak, munting makalaya’y malayo ang lipad;habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at di lumalayas; nguni, pag sa palay ay minsang manalat, sa may-alagad man ay nagmamailap.Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhayay wala sa pusong laging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang kapayapaang mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay kaning maya’t-maya at, nakamamatay!
DAHIL SA PAG-IBIG
Iñigo Ed. Regalado

KAHAPON...Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan ang inihahandog ng lahat ng bagay, pati ng mabangong mga bulaklakan ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;akala ko tuloy itong Daigdigan ay isang mallit na libingan lamang. Mangyari, Kahaponang dulot mo’y lason.NGAYON...Sa mga mata ko ay pawang ligayaang inihahandog ng bawa’t makita, pati ng libingang malayo’t ulila wari’y halamanang pugad ng ginhawa; sa aking akala’y tila maliit paitong Daigdigan sa aking panata. Papaano, Ngayo’ynagwagi ang layon.BUKAS...Sino baga kaya ang makatatatap ng magiging guhit nitong ating palad? Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat na inaamihan at hinahabagat; itong Daigdigan ay isang palanas na nabibinhian ng lungkot at galak. Bukas! Ang pag-asa’ymahirap mataya...




SA TABI NG DAGAT
Ildefonso Santos in 1897
Marahang-marahangmanaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katangpayapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangangsapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garingat sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata,habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalataganng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayoay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni’t walang ingay,hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig,mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin katasa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong,talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natinmapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-haponkata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paaat sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon:Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati pusoay naaagnas ding marahang-marahan...

Salawikain





Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sapera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.(A desperate person will do drastic things to get out of one's predicament.)




Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawang mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.(In any community there are always some people who would do harm to others.)


















Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din anggagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwamo ay tutulungan ka rin nila.(You will harvest in kind what you planted.)




Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, aykaraniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.(A tree will only bear fruits of its own kind.)
























Kung hindi ukol, hindi bubukol.Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hinditalagang nakalaan para sa iyo.(You will not get something if you do not deserve to have it.)





Kung may isinuksok, may dudukutin.Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.(He or she who saves will have something to spend in time of need.)
























Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.(He or she who is on the defensive is usually the one guilty of an infraction.)




Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mgabagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mgamagulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mgapagkukulang ng sariling anak.(Parents would be more forgiving of the shortcomings of their own marriedchildren than their in-laws would be.)





















May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.(Gossips spread quickly.)






Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natinang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya.(God helps those who help themselves.)

























Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.(We all ultimately face our own destiny no matter how long it takes.)






Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.(Live within your means.)















Bugtong



Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pakoNang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay..Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Maliit pa si kumare, malakas na kung humuni. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.










Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.Dalawang batong itim, malayo ang nararating.Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita.Sa isang kalabit, may buhay na kapalit.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Nagbibigay na, sinasakal pa. May puno walang bunga, may dahon walang sanga Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.Yumuko man ang reyna, di malaglag ang koronaNakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa

No comments:

Post a Comment