Tuesday, September 22, 2009

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit."Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw."Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin."Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
ARAL: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.


“ JOKES-BIR0-BIRUAN “


Rap - Inday bat di mo pa dinidiligan yung mga halaman natin sa labas?Day - Sir, umuulan po.Rap - Sus, magkapote ka. Ang tamad mo!Rap - Akyatin mo nga kung hinog na yung atis?Rex - (Umakyat sa puno at pinisil ang bunga) Oo, hinog na!Rap - Sige bumaba ka na at susungkitin ko!Loy - Di ka pa natutulog, hatinggabi na nagbabasa ka pa ng libro.Rap - Sabi kase ni Doc, may blood test ako bukas.Loy - Yung Pajero natin kinakarnap. Dali, habulin mo yung karnapers!
(Makaraan ang ilang saglit ay bumalik sa Rap.)
Loy - Ano, inabutan mo ba yung karnapers?Rap - Hindi pero wag kang mag-alala, nakuha ko yung plate number ng
Pajero na sinasakyan nila!
Pauwi sa Pinas sakay ng 737 at katatapos lang manuod ng inflight movie:Rex - Pwede raw nating iuwi yung headphones na ginamit natin kanina,
sabi ng stewardess.
Rap - Aanhin natin yung headphones, wala naman tayong 737 sa bahay?Rex - Ano ba at kanina ka pa talon ng talon dyan?Rap - Nakalimutan ko kaseng ishake yung bote ng gamot na ininum ko.=Rex - Para kanino yang isinusulat mo?Rap - Para sa pamangkin ko.Rex - E, bat ang bagal mong magsulat?Rap - Kase mabagal pa siyang magbasa.Rex - O, binigyan daw ni GMA ng amnesia yung ilang miembro ng Magdalo.Rap - Amnesty yun, hindi amnesia, tange!Rex - Amnesia nga, kase bigla nilang nakalimutan yung mga reklamo nila.

No comments:

Post a Comment