Tuesday, September 22, 2009

ANG DIWATA NG KARAGATAN








Ito ay isang Kuwentong Bayan ng Ilocos:Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.















NAGING SULTAN SI PILANDOK



Kuwentong bayan ng MaranawAng kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak."Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan."Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.""Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang ultan sa loob ng isang hawla."Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.""Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.











ANG BATIK NG BUWAN

maikling kuwento ng bisayaMag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!"Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.


‘Ti Biag Ni Lam-Ang’ : Ang Buhay Ni Lam-Ang
SIYAM na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang pamilya, namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa sa mga masamang Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat. Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang. Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si Ines, isang babaeng taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tabako sa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak na minana sa ama, nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo. Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan si Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng loob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines. Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala niya. Noong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-anak ng lalaki ang bagong mag-asawa. Isang araw, binangungot si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno, kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap. Ayon sa masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sa sahig ng dagat upang hanapin ang gintong kabibe. Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susuungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos. Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan, umuga ang hagdan, at nanginig ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang. Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas na lumabas at sundin ang mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla, tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli. Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.




Bugtong (Rhymes)

Dalwang magkaibigan. Habulan ng habulan – PAA
Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ng sari-sari. – SAMPAYAN
Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik ‘pag itapon. – YOYO
Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. – ASO
Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. – PAYONG
Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. – BAHAGHARI
Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. – ANINO
Hayan na, Hayan na. ‘Di mo pa makita. – HANGIN
Iisa ang pasukan. Tatlo ang labasan. – DAMIT
Eto na si Kaka, bubukabukaka. – GUNTING
Nagtago si Pedro, labas ang ulo. – PAKO
Hindi reyna. Hindi prinsesa. Ngunit may korona. – BAYABAS
Isang magandang dalaga. ‘Di mabilang ang mata. – MAIS
May langit. May lupa. May tubig. Walang isda. – BUKO
Dalawang batong itim, malayo ang mararating. – MATA
Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. – PAPAYA
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. – KAMPANA
Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. – BARIL
Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – KASOY
Nagbibigay na, sinasakal pa. – BOTE










Sa Aking Mga Kabata ni Jose Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibigSa langit salitang kaloob ng langitSanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawidPagka’t ang salita’y isang kahatulanSa bayan, sa nayo’t mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.Ang hindi magmahal sa kanyang salitaMahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusaNa tulad sa inang tunay na nagpalaAng wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,Sapagkat ang Poong maalam tuminginAng siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwaAng lunday sa lawa noong dakong una.








Tula ng Pagibig:
Jose Corazon de Jesus
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!Ang Pag-ibig na dakila’y aayaw nang matagalan,Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog!Ang Pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,Ngunit kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan —Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganibAy talagang maliwanag at buo ang iyong isip:Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!”Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,Kapag kayo’y umiibig na, hahanapin ang panganib,At pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!
Singsing ng Pagibig
Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!

1 comment: